School heads at barangay chairman sa QC pwede nang magsuspinde ng klase at trabaho
Binigyan na ng kapangyarihan ng Quezon City local government ang mga barangay chairman at school heads na magsuspinde ng klase at trabaho sakaling masama ang panahon.
Sa memorandum ni Mayor Joy Belmonte na ibinahagi ng QC Public Affairs Department Miyerkules ng gabi, pwede nang magsuspinde ng pasok ang school heads at baranggay chairpersons sa nasasakupang mga lugar kung naniniwala silang makokompromiso ang kaligtasan ng publiko.
Ang general guidelines sa localized suspension of classes ay nabuo matapos talakayin ng mga kinatawan mula sa School Disaster Risk Reduction and Management Councils (SDRRMC) ng Quezon City.
Sa memo, inatasan ang mga baranggay at school head na agad ipagbigay alam ang desisyon ukol sa suspensyon ng klase sa QC Disaster Risk Reduction and Management Council.
Samantala, nakasaad din sa guidelines na ang deklarasyon ng city-wide class suspensions ay dapat maanunsyo ng alas-4:30 ng madaling araw para sa morning classes at hindi lalampas ng alas-11:00 ng umaga para sa mga pang-hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.