Market operator na binalaan ni Mayor Isko dahil sa utang sa local gov’t nagbayad na
Nagbayad na ang isa sa market operators na binalaan ni Manila Mayor Isko Moreno dahil sa milyun-milyong utang sa pamahalaang lungsod sa loob ng dalawang taon.
Sa anunsyo ni Moreno Miyerkules ng hapon, sinabi nitong ang XRC Mall Developers Inc. ay nagbayad na ng P12.9 milyong tax deficit.
Ang XRC ang nagpapatakbo sa Sta. Ana Market, San Andres Market, Sampaloc Market at Trabajo Market
Obligado ang XRC na magbayad ng P5.5 milyon sa lokal na pamahalaan alinsunod sa joint venture agreement na nilagdaan kasama si dating Manila Mayor Joseph Estrada.
Pero simula 2017 ay hindi na nagbayad ang XRC at umabot sa P14.38 ang kanilang utang.
Hindi naman na pagbabayarin pa sa kulang ang XRC dahil nagkaroon ng tax amnesty program ang Manila local government noong nakaraang buwan ayon kay Moreno.
Samantala, hindi pa nagbabayad ang Marketlife Management and Leasing Corporation ng kanilang P11.16 million tax deficit.
Ang Marketlife ang operator ng Quinta Market.
Paalala ni Moreno, may 48 oras na lang ang naturang operator.
Una rito, nagbabala si Moreno na kung hindi makababayad ang dalawang operators ay gagawin nang invalid ang kanilang mga kontrata.
Pero dahil bayad na ang XRC ay hindi na umano sila mahaharap sa anumang reklamo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.