Ai Ai delas Alas magpapahinga para sa planong pagbubuntis

Target ni Ai Ai delas Alas na tapusin na ngayong taon ang lahat ng kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula.

Nakatakda na kasing magpahinga si Ai Ai para sa nakaplanong pagbubuntis nito sa 2020.

Ang pagbubuntis ng aktres ay gagawin sa pamamagitan ng in-vitro fertilization.

Ayon kay Ai Ai, isasagawa ng pag-implant ng embryo sa susunod na taon kaya nais niyang matapos na ang mga film at television projects sa susunod na mga buwan.

Sa susunod na taon nakatakda ang extended break ng aktres bilang paghahanda sa IVF pregnancy.

Kabilang sa mga minamadali nang tapusin ni Ai Ai ngayong taon ang pelikula na pang “Mother’s Day” sa 2020.

Si Ai Ai mismo ang magbubuntis at hindi sila gagamit ng surrogate mother dahil sa tingin nila ng mister na si Gerald Sibayan ay maayos ang kanyang kalusugan para magdalang tao.

Dahil dito ay bed rest ang isa sa mga gagawin ni Ai Ai sa kanyang pahinga.

Gayunman, kung hindi magtagumpay ang kanyang pagbubuntis ay saka ikukunsidera ng mag-asawa ang surrogate pregnancy.

 

Read more...