Mga isdang nakuha sa Pasig River hindi pa rin ligtas kainin

By Len Montaño August 15, 2019 - 03:12 AM

Pasig River Rehabilitation Commission photo

Nananatiling hindi ligtas para kainin ang malalaking isda na nakukuha sa Pasig River.

Babala ito ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) matapos makakuha ang ilang mamamayan ng malalaking isda mula sa ilog.

Kabilang dito ang banak, bugaong, kanduli at tilapia.

Dumarami na ang nabubuhay na isda sa Pasig River dahil sa bumubuting kundisyon ng ilog.

Pero matapos ang mga laboratory test, nakumpirma na hindi pa talaga pwedeng kainin ng tao ang mga isda mula sa Pasig River.

Taglay ng mga isda ang mapanganib na lebel ng mga bacteria na mapanganib sa kalusugan ng tao.

Dahil dito ay nagpayo si PRRC Executive Director Jose Antonio Gotia na huwag munang kainin ang mga isda sa Pasig River.

 

TAGS: hindi ligtas, Isda, kainin, mapanganib, pasig river, Pasig River Rehabilitation Commission, hindi ligtas, Isda, kainin, mapanganib, pasig river, Pasig River Rehabilitation Commission

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.