P3.4M halaga ng shabu nakumpiska sa buy bust sa CamSur

Nakumpiska ang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Camarines Sur.

Isinagawa ang operasyon sa Barangay San Juan sa bayan ng Gainza.

Ayon sa Camarines Sur police, naresulta rin ang operasyon sa pagka-aresto ng apat na suspek.

Nakilala ang mga suspek na sina Joseph Glen Candido, Christopher Pagal, Stevan De Luna at Diana Hubilla.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...