Pulis patay matapos magulungan ng truck sa Makati

Dead-on-arrival sa ospital ang isang pulis makaraang magulungan ng trak sa Makati City.

Batay sa ulat ng Makati police, nagulungan ng truck si Patrolman Francis Ecalner, 25 anyos.

Nakasakay ang biktima sa kaniyang motorsiklo nang mangyari ang aksidente sa bahagi ng South Superhighway.

Nakatalaga si Ecalner sa Makati City Police Community Precinct 4.

Mahaharap ang driver ng truck sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.

 

Read more...