Notice of Award para sa Bulacan airport project pormal nang iginawad sa San Miguel Corp.
Pormal nang ibinigay ng Department of Transportation (DOTr) sa San Miguel Holding Corporation (SMHC) ang Notice of Award (NOA) para sa Bulacan International Airport Project, araw ng Huwebes.
Ayon sa pahayag ng DOTr, sa ilalim ng NOA, ang SMHC na ang bahala sa financing, design, construction, supply, completion, testing, commissioning, at operation and maintenance ng nasabing bagong international airport.
Kailangang maisumite ng SMHC ang kinakailangang mga dokumento sa DOTr Special Bids and Awards Committee (SBAC) sa loob ng 20 araw matapos matanggap ang NOA.
Pinuri ni DOTr Undersecretary for Planning and Project Implementation Benny Reinoso ang pagnanais ng SMHC na pangunahan ang konstruksyon ng bagong paliparan.
Ayon kay Reinoso, sakaling matapos ang konstruksyon ng airport ay makapagbibigay ito ng malaking ginhawa sa mga mamamayan ng Central Luzon at hilagang bahagi ng Metro Manila.
Ang bagong international airport ay balak itayo ng SMHC sa Bulakan, Bulacan at paglalaanan ng P743 bilyon.
Ayon sa SMHC, may apat itong runways na pwedeng pang ma-expand sa anim at kayang maka-accommodate ng 100 milyong pasahero kada taon.
Inaasahan itong magdadala ng trilyon-trilyong dolyar sa ekonomiya at magpapalakas sa sektor ng turismo sa bansa partikular sa Bulacan at mga karatig lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.