Sa pulong balitaan sa malakanyang, sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na kabilang sa kanilang mga iniimbestigahan ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC), at Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Dagdag ni belgica, walang sasantuhin ang kanilang hanay kahit pa ang mga kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ngayon, sinabi ni Belgica na aabot sa 2,500 kaso na ang natanggap ng PACC kung saan 1,000 na ang naaksyunan habang ang 1,000 ay na-dismiss dahil sa kawalan ng ebidensya.
Ang mga kawani aniya ng BOC, ang may pinakamaring nakasuhan sa Office of the Ombudsman sumunod ang BIR, DPWH at DENR.
Ayon kay Belgica, 40 opisyal ang nakasuhan na sa Ombudsman.