Malacañang umapela ng pang-unawa sa hindi umusad na LRT extension project

By Den Macaranas December 29, 2015 - 08:37 PM

Benigno-Aquino
Inquirer file photo

To the rescue ang Palasyo ng Malacañang makaraang ulanin ng batikos sina Pangulong Noynoy Aquino at Transportations Sec. Jun Abaya sa isyu ng LRT extension project sa Cavite.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, “Noong binanggit ng pangulo ‘yung paghahangad na magkaroon ng extension na katulad nito, ayon kay Secretary Abaya, binubuo pa lamang noong panahong ‘yon ‘yung bidding para sa proyekto at natapos o naganap ‘yung buong proseso hanggang sa pag-a-award noon lamang September 2015, nito lamang nakaraang Setyembre, at ito nga ay papangasiwaan na ng consortium ng Ayala at Metro Pacific na with partnership sa Macquarie Investments”.

Dagdag pa ng opisyal, “At doon sa konsepto, sila ang magsasagawa ng operations and maintenance of the existing LRT Line 1 from Monumento to Baclaran; sila na rin ‘yung magsasagawa ng disenyo at ‘yung pagtatayo ‘nung extension from Baclaran to Bacoor”.

“At meron pang ikatlong segment, from Bacoor to Imus, pagkatapos hanggang Dasmariñas, at ito naman ay inilahad na ng DOTC para sa public bidding kahapon lamang o noong makalawa”, ayon pa kay Coloma.

Nitong mga nakalipas na araw ay naging tampulan ng pang-aasar o memes sa internet ang nasabing pangako ng pangulo.

TAGS: Abaya, Aquino, cavite, LRT, Abaya, Aquino, cavite, LRT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.