Davao Occidental at Surigao del Sur, niyanig ng lindol

By Rhommel Balasbas August 15, 2019 - 01:50 AM

Naitala ang mga pagyanig sa Davao Occidental at Surigao del Sur Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, alas-10:43 ng gabi niyanig ng magnitude 3.6 na lindol sa layong 187 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.

May lalim ang pagyanig na 158 kilometro.

Alas-11:50 naman nang tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa layong limang kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Cantilan sa Surigao del Sur.

May lalim naman ang pagyanig na isang kilometro.

Tectonic ang pinagmulan ng mga lindol at hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.

Hindi rin inaasahan ang aftershocks ayon sa Phivolcs.

 

TAGS: aftershocks, Cantilan, Davao Occidental, lindol, Magnitude 3.2, magnitude 3.6, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Sarangani, surigao del sur, tectonic, aftershocks, Cantilan, Davao Occidental, lindol, Magnitude 3.2, magnitude 3.6, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Sarangani, surigao del sur, tectonic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.