Sa pagpupulong ng pinamumunuan niyang Committee on Public Information and Mass Media, sinabi ni Revilla na hihimayin niya ang nilalaman ng Senate Bill No. 9 o ang Anti-Fake News Bill na inihain ni Senate President Vicente Sotto III.
Laman ng panukala na pagmultahin ng P2 milyon at maaaring makulong ang mapapatunayang nagkalat ng maling impormasyon sa internet.
Sa hiwalay na pulong ng pinamumunuan din niyang Committee on Civil Service, sinabi ni Revilla na gagawin niyang prayoridad ang salary standardization bill at ang karagdagang automatic mechanism sa Personal Economic Relief Allowance (PERA) ng mga kawani ng pamahalaan.
Sa ngayon P500 kada buwan ang PERA ng mga government employees at nais ni Revilla na itaas ito sa P1,500.