Wanted na dayuhan arestado sa QC

By Noel Talacay August 15, 2019 - 01:20 AM

QCPD photo

Arestado ang isang wanted na foreign national matapos ang isinagawang operasyon laban sa suspek ng mga otoridad sa Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Arvindt Arasu, isang Indian-Singaporean, 29 anyos at residente ng Brgy. 170 Deparo 2, Caloocan City.

Ang dayuhan ay may warrant of arrest sa kasong 28 counts ng large scale syndicated of Estafa at Illegal Recruitment.

Ayon Quezon City Police District (QCPD) Chief Brigadier General Joselito T. Esquivel Jr., isinagawa ang operasyon alas 2:45 Miyerkules ng hapon sa bahay ng suspek.

Umamin naman anya ang suspek sa krimen na kanyang nagawa at mahinahon itong sumama sa mga otoridad.

Nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD ang dayuhan.

 

TAGS: arestado, dayuhan, Illegal recruitment, large scale syndicated of Estafa, QCPD, wanted, arestado, dayuhan, Illegal recruitment, large scale syndicated of Estafa, QCPD, wanted

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.