2 Miyembro ng Salisi Gang sa NAIA arestado

By Noel Talacay August 15, 2019 - 01:10 AM

MIAA photo

Huli sa aktong nangbibiktima ang dalawang miyembro ng Salisi Gang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ng biktima ang dalawang suspek na sina Rodolfo Rosauro Anto, Jr., 46 anyos at tubong Cabuyao, Laguna at Elena Aquia Elera, 43 anyos mula naman sa Muntinlupa.

Kwento ng biktima na si Cheryl Perez, isang travel agent, naghihintay siya sa Terminal 2 para salubungin ang mga bisita nang biglang may kumausap sa kanyang dalawang tao na hindi niya kilala.

Bigla anya niyang napansin na dinudukot na ang kanyang wallet mula sa kanyang bag, kaya sumigaw ito ng “magnanakaw” na nakatawag pansin sa Airport Police, dahilan para madakip ang mga suspek.

Ikinatuwa naman ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagka-aresto sa mga suspek.

Ayon kay MIAA Gener Manager Ed Monreal, magsisilbi itong babala sa mga magnanakaw sa NAIA dahil hindi sila titigil sa pagtugis sa mga ito.

Wala naman anyang dapat ikabahala ang publiko dahil prayoridad sa paliparan ang seguridad ng mga pasahero.

 

TAGS: 2 arestado, huli sa akto, magnanakaw, MIAA, MIAA Gener Manager Ed Monreal, NAIA, Salisi Gang, travel agent, wallet, 2 arestado, huli sa akto, magnanakaw, MIAA, MIAA Gener Manager Ed Monreal, NAIA, Salisi Gang, travel agent, wallet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.