Special envoy to China Ramon Tulfo inireklamo ng opisyal ng BIR

By Jan Escosio August 15, 2019 - 12:44 AM

Isa na naman opisyal ng gobyerno ang nagreklamo sa isinulat ni Special Envoy to China Ramon Tulfo sa column nito sa Manila Times.

Sinabi ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Assistant Commissioner for Client Support Services Teresita Angeles nabigla siya ng mabasa ang column ni Tulfo na lumabas noong nakaraang Martes na may titulong, “Conversation between two BIR execs reveals all.”

Pinasinungalingan ni Angeles ang sinabi ni Tulfo ukol sa pag-uusap nila ni Don Samson, na kinilala niyang chief of staff ni BIR Comm. Caesar Dulay, noong sila ay kapwa nag-aaral sa Harvard University, ukol sa korapsyon sa BIR.

Sa sulat ni Angeles sa Manila Times, sinabi nito na hindi niya nakasama sa Harvard si Samson, na executive assistant ni Dulay at hindi chief of staff.

Hindi rin niya inakusahan ng pagtanggap ng suhol si Dulay at ilang kapwa opisyal sa BIR sa katuwiran na maayos silang nagta-trabaho sa kawanihan.

Makalipas ang dalawang araw, isinulat ni Tulfo na nalagay sa ‘floating status’ si Angeles, na pinabulaanan ng huli dahil aniya na-promote pa siya.

Pagdidiin ni Angeles, malisyoso at kasinungalingan ang mga isinulat ni Tulfo at malaking kasiraan pa sa pamamahayag.

Bago ito, tatlong kaso ng libel ang isinampa ni Executive Sec. Salvador Medialdea laban kay Tulfo dahil din sa mga malisyosong pagsusulat sa pahayagan.

 

TAGS: Assistant Commissioner Teresita Angeles, BIR Comm. Caesar Dulay, column, Executive Sec. Salvador Medialdea, floating status, inireklamo, manila times, Special Envoy to China Ramon Tulfo, suhol, Assistant Commissioner Teresita Angeles, BIR Comm. Caesar Dulay, column, Executive Sec. Salvador Medialdea, floating status, inireklamo, manila times, Special Envoy to China Ramon Tulfo, suhol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.