Dagdag buwis sa alak, yosi at vape lusot sa 2nd reading sa Kamara

By Erwin Aguilon August 14, 2019 - 08:07 PM

Lusot na ikalawang pagbasa ng Kamara panukalang magtataas sa excise tax rates ng mga alcoholic drinks at tobacco bansa.

Sa viva voce voting lumusot ang substitute bill 1206 o ang Act Amending the National Revenue Code of 1997.

Nakasaad sa ipinasang panukala na itaas sa P6.60 ang excise tax na ipinapataw sa mga alcoholic drinks, kumpara sa kung ano ang ipinapatupad sa ilalim ng Republic Act 10351 o ang Excise Tax reform Law on tobacco and alcohol.

Kapag naging ganap na batas, simula sa January 2020 magkakaroon ng ad valorem rate na 22 percent kabilang na ang specific tax rates per proof liter ng P30, P35, P40, P45 mula sa 2020 hanggang 2023 para sa mga distilled spirits at tataas ng 5 percent kada taon simula 2024.

Sa kasalukuyang RA 10351 ang mga alak ay mayroong P22.40 specific tax at ad valorem tax na 20 percent.

Inaprubahan din ang P650 unitary rate para sa mga sparkling wines.

Samantala, tinaas naman sa P2.10 ang buwis sa mga still at carbonated wines, habang ang may alcohol content na mas mataas sa 14 percent ay may P4.10 na pagtaas.

Ang inaprubahang tax rate naman para sa fermented liquors ay tinaas sa P2.60.

Sa sin tax naman sa tobacco products magkakaroon ng P45 na pagtaas ng buwis sa kada pakete ng sigarilyo pagsapit ng January 1, 2020 at tataas ito ng limang piso bawat taon hanggang 2023.

Mula namn sa taong 2024 ay itataas ito ng limang porsyento kada taon.

Bukod sa sigarilyo, papatawan na rin ng buwis ang vape o e-cigarettes at heated tobacco products kung saan simula January 1, 2020 magkakaroong P30 na buwis kada milliliter at dagdag na limang piso kada taon hanggang 2023.

Simula naman sa 2024 ay tataas ito ng 5 percent kada taon.

Kapag naging batas ang panukala kikita ang gobyerno ng P32.94B sa alcohol at P3.2B sa tobacco, vape at heated tobacco sa unang taong pagpapatupad nito.

TAGS: alcohol products, excise tax. train, vape, alcohol products, excise tax. train, vape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.