Brgy. chairman patay sa ambush sa Pasay City

By Jan Escosio August 14, 2019 - 08:00 PM SHARE(S):
Photo: Jan Escosio

Dead on arrival sa ospital ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin sa Pasay City.

Kinilala ang biktima na si Jojo Balais, 42-anyos at chairman ng Barangay 37 sa lungsod.

Base sa paunang impormasyon, alas-5:20 nang pagbabarilin si Balais habang sakay ito ng kanyang motorsiklo sa tapat ng Pasay City Academy sa Gil Puyat Avenue.

Agad naman isinugod ng isang sumaklolong tricycle driver ang biktima sa Manila Adventist Medical Center ngunit hindi na ito umabot ng buhay sanhi ng tatlong tama ng bala sa ulo at katawan.

Ayon sa isang guwardiya ng kalapit na establismento nakarinig siya ng tatlong putok ng baril at nakita niya ang duguang biktima na nakahandusay sa kalsada sa tabi ng nakatumbang motorsiklo.

Sinabi ng isang malapit na kaibigan ng biktima wala siyang alam na may pagbabanta sa buhay o may nakaaway si Balais.

Hinala lang nito may kinalaman sa trabaho ang motibo sa pagpatay sa opisyal ng barangay.

Inaalam na kung nahagip ng security camera ang pangyayari.

TAGS: ambush, balais, chairman, Pasay City, ambush, balais, chairman, Pasay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.