PNP nakatutok sa mga terrorism website

By Angellic Jordan August 14, 2019 - 07:45 PM

Paiigtingin ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang cyber patrol operations laban sa mga extremist website.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Police Brig. Gen. Dennis Agustin, director ng PNP-ACG, na hahanapin nila ang mga online website na nagsusulong ng terorismo.

Kabilang dito ang 8chan online messaging board na may koneksyon sa mass shooting sa Estados Unidos.

Ani Agustin, makatutulong ito para malaman ang kinaroroonan at operasyon ng may-ari ng 8chan na si Jim Watkins.

Unang napaulat na nandito si Watkins sa Pilipinas.

TAGS: 8chan, cybercrime, PNP, 8chan, cybercrime, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.