Piñol umaming pinagtulungan ng economic managers ni Duterte

By Chona Yu August 14, 2019 - 03:54 PM SHARE(S):
Inquirer file photo

Tahasan nang tinukoy ni dating agriculture secretary Manny Pinol na ang economic managers at isang makapangyarihang political personality ang dahilan ng pagkakatanggal sa kanya sa Department of Agriculture at mailipat sa Mindanao Development Authority (Minda).

Pero ayon kay Pinol, hindi siya patitinag para ituloy ang pagbibigay serbisyo sa mga magsasaka at mangingisda.

Kanina ay nanumpa na si Pinol kay Executive Secretary Salvador Medialdea para maging bagong pinuno ng Mindanao Development Authority.

Magsisilbi si Pinol bilang Minda chief sa loob ng anim na taon.

Magiging point person ni Pangulong Rodrigo Duterte si Pinol sa bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

TAGS: Department of Agriculture, economic managers, pinol, Department of Agriculture, economic managers, pinol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.