Panukalang ibaba ang corporate income tax lusot na sa komite sa Kamara

Radyo Inquirer

Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang Corporate Income Tax and Incentive Reform (CITIRA) Bill na layuning bawasan ang corporate income tax rate para makalikom ng dagdag na kita ang gobyerno.

Sa botong 27 na YES at 2 na NO ay naipasa ng komite ang panukala.

Kaagad naaprubahan ang panukala sa komite base sa House Rule 10 Section 48 kung saan nakasaad ang panukala na pumasa ikatlong pagbasa noong 17th Congress ay isang hearing na lamang ang kakailanganin.

Ang CITIRA o dating Trabaho Bill at lumusot sa ikatlo at huling pagbasa noong 17th Congress pero hindi na umusad sa Senado.

Sa ilalim ng CITIRA, ibababa sa 20% ang corporate income tax ng mga kumpanya mula sa kasalukuyang 30%.

Sisimulan ang pagbabawas sa corporate income tax sa 2% sa kada taon hanggang sa tuluyang umabot sa 20% ang pagbaba sa corporate income tax.

Ipapatupad din ang rationalization ng mga fiscal incentives na ibinibigay sa mga negosyo na nais gawing performance-based, targeted, time-boound at transparent.

Tiinitiyak naman na ang insentibo ay ibibigay sa mga karapat-dapat na negosyo at sa mga nagsisimula pa lamang na lumagong negosyo.

Layunin din ng pagbababa sa corporate income tax na makapanghikayat din ng mga mamumuhunan na magiging daan din para sa dagdag na trabaho sa mga Pilipino.

Read more...