Chinese national na dumukot ng kapwa Chinese arestado

By Angellic Jordan August 14, 2019 - 02:45 PM SHARE(S):

Arestado ang dalawang Chinese national dahil sa umanong ilegal na pagkulong sa isang kapwa-Chinese sa Pasay City, Miyerkules ng umaga.

Nakilala ng Pasay police station ang mga suspek na sina Yinhua Gong, kwarenta y uno anyos, at Shuchun Liu, bente-nuwebe anyos.

Ikinulong umano ng dalawa ang biktimang si Renhu Quin, 31-anyos, sa isang hotel sa bahagi ng Roxas Boulevard.

Ayon sa pulisya, humingi ng tulong sa mga otoridad ang nobyo ng biktima na si Raquel Inocando at Mingcheng Cui.

Humihingi umano ng P200,000 ang mga suspek para palayain ang biktima.

Dinala ang mga suspek sa Pasay Police Station Investigation Division Management Branch para masampahan ng kaso.

Ayon pa sa pulisya, magsasagawa sila ng follow-up operation para alamin ang kasabwat ng mga suspek sa krimen.

TAGS: bureau of immigration, chinese, bureau of immigration, chinese

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.