13 emleyado ng BIR inaresto at kinasuhan ng PACC dahil sa korapsyon
By Chona Yu August 14, 2019 - 01:03 PM
Aabot sa 13 empleyado na ng Bureau of Internal Reveue (BIR) ang naaresto at nakasuhan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na ito ay dahil sa isyu ng korapsyon.
Ayon kay Belgica patuloy na tutugusin ng kanilang hanay ang iba pang kawani ng BIR.
Wala aniyang sasantuhin ang administrasyon ni Pangulong Duterte na labanan ang korapsyon sa pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.