33 katao inilikas sa Baguio City dahil sa nararanasang pag-ulan

By Dona Dominguez-Cargullo August 14, 2019 - 12:50 PM

33 katao ang inilikas sa kani-kanilang mga tahanan dahil epekto ng Habagat sa Baguio City.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management umabot sa 11 pamilya ang inilikas dahil ang kanilang bahay ay naapektuhan ng soil erosion.

Simula noong August 4 hanggang ngayong araw August 14, nasa 39 na indibidwal ang nailigtas at napagkalooban ng medical assistance makaraang makaranas ng pagkahilo, accidental road slip, nahulog sa manhole, at iba pang emergency health situation.

Nakapagtala din ang CDRRMO ng 15 motor at vehicular accidents; 16 na puno na bumagsak dahil sa malakas na hangin, 12 insidente ng soil erosion at dalawang streetlights na bumagsak.

Marami ring kalsada na patungo ng Baguio City ang sarado kabilang ang mga sumusunod:

• Kennon Road (closed, motorist are advised to take Marcos Highway)
• Governor Pack Road near BGH Rotunda (closed to traffic due to scoured and hanging footing of arc)
• Tawang-Ambiong Road, La Trinidad (closed to traffic due to road cut)
• Longlong, La Trinidad (closed to traffic due to landslide)

Nananatiling nakataas ang Blue Alert Status sa CDRRMO ng Baguio City.

TAGS: baguio city, effects of habagat, habagat, rainfall, baguio city, effects of habagat, habagat, rainfall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.