2 cabinet secretaries iniimbestigahan ng PACC dahil sa korapsyon
Iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang dalawang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kinumpirma ito ni PACC Commissioner Greco Belgica sa press briefing sa Malakanyang.
Ayon kay Belgica, ang imbestigasyon sa dalawang cabinet secretary ay dahil sa umano’y pagkakasangkot nila sa korapsyon.
Hindi naman muna pinangalanan ni Belgica ang dalawang miyembro ng gabinete.
Ani Belgica, kapwa incumbent ang dalawa at inumpisahan ang imbestigasyon sa kanila noong Pebrero.
Isang private individual ang naghain ng reklamo laban sa isang cbainet secretary habang ang isa naman ay galing sa mga empleyado mismo ang reklamo.
Ayon kay Belgica, pagkatapos ng kanilang imbestigasyon, ang resulta ay isusumite nila kay Pangulong Duterte.
Ang pangulo naman na ang magpapasya sa kung ano ang magiging aksyon sa dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.