Human Security Act dapat na maamyendahan – AFP
Napapanahon na upang baguhin ang Human Security Act of 2007 o ang Republic Act 9372.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni AFP spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, kailangan nang gawing Anti-Terror Law ang RA 9372.
Ani Arevalo, may mga probisyon sa batas na dapat na ring alisin.
Kabilang na dito ang pagpapataw ng kalahating milyong piso sa mga arresting officer kapag napatunayang inosente ang isang indibiduwal na kinasuhan ng terorismo.
Nais din ni Arevalo na tanggalin ang probisyon na nagtatakda lamang ng tatlong araw na pagkakulong sa isang suspek sa terorismo.
Binanggit ni Arevalo ang resulta ng isang pag-aaral na kailangan ang mahabang panahon upang makulong ang isang suspek sa terorismo para sa pagbeberipika o balidasyon ng mga impormasyon patungkol sa background o aktibidad ng suspek.
Kailangan din aniya na makontrol ang paggamit ng mga recruiter sa social media na ginagamit na behikulo sa pag-glorify sa terorismo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.