Matataas na opisyal ng DENR, DPWH, BOC at BIR isasailalim sa lifestyle check ng PACC

By Chona Yu August 14, 2019 - 12:16 PM SHARE(S):

Isasailalim sa lifestyle check ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC ang matatas na opisyal ng Department of Environment and Natural Resources at Department of Public Works and Highways.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na ito ay dahil sa dami ng reklamo ng korapsyon laban sa mga matataas na opisyal ng DPWH at DEBR.

Kasama rin sa lifestyle check ang mga opisyal ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue.

Ayon kay Belgica, kasama sa lifestyle check ang mga undersecretaries hanggang sa mga regional director at district engineer.

Sinaluduhan naman ni Belgica ang mga kawani ng Department of Transportation dahil sa boluntaryong pagpapasailalim sa lifestyle check.

TAGS: BIR, BOC, DENR, DPWH, lifestyle check, pacc, BIR, BOC, DENR, DPWH, lifestyle check, pacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.