5 rebelde sugatan sa sagupaan sa Camarines Sur

Sugatan ang limang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa mga sundalo sa Caramoan, Camarines Sur.

Ayon kay Maj. Ricky Aguilar, public affairs chief ng 9th Infantry Division ng Philippien Army, nagpapatrulya ang mga sundalo sa Barangay Lidong nang makasagupa nila ang nasa 50 rebelde.

Nangyari ang engkwentro hapon ng Martes, Aug. 13.

Ang limang nasugatang NPA ay nagawang maitakas ng kanilang mga kasamahan.

Bago ito, nagkaroon na rin ng sagupaan sa bayan ng Bula sa Camarines Sur umaga ng Martes.

Tinataya namang 30 rebelde ang nakasagupa doon ng mga sundalo.

Read more...