Manila Mayor Isko Moreno inimbitahan dumalo sa energy summit sa Moscow

By Dona Dominguez-Cargullo August 14, 2019 - 11:39 AM SHARE(S):

Inanyayahan ni Russian Ambassador Igor Khovaev si Manila Mayor Isko Moreno na magtungo sa Russia.

Nag-courtesy call kay Moreno si Khovaev sa Manila City Hall kahapon, Aug. 13.

Inimbitahan ni Khovaev si Moreno na bumisita sa Moscow sa Oktubre para sa energy summit.

Ayon sa Russian diplomat may pagkakahalintulad ang mga hamon na kinakaharap ng Maynila at Moscow sa isyu ng enerhiya, healthcare, traffic at social services.

Samantala, ngayong araw, nag-courtesy call din kay Moreno si EU Ambassador Franz Jessen.

Inanyayahan din ni Jessen si Moreno na bumistia sa Europa.

TAGS: Ambassador Franz Jessen, Igor Khovaev, Isko Moreno, manila city hall, Ambassador Franz Jessen, Igor Khovaev, Isko Moreno, manila city hall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.