November 17 idineklarang National Student’s Day ni Pangulong Duterte
Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang petsang November 17 kada taon bilang National Student’s DAy.
Ito ay bilang pagkilala sa ambag ng mga kabataan sa demokrasya ng Pilipinas.
Nilagdaan ng pangulo ang Republic Act 11369 na nagdedeklara sa National Student’s Day at nagtatakda ng mga aktibidad taun-taon.
Nakasaad na ang National Youth Commission ang magsisilbing lead agency para ipatupad ang taunang paggunita.
Inaatasan din ang Department of Education at ang Commission Higher Education na sumuporta sa mga proyekto ng NYC at ipromote ang related acitivities sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.