P14.3M na halaga ng marijuana plants sinira at sinunog sa Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo August 14, 2019 - 10:33 AM

Winasak at sinunog ang tinatayang P14.3 million na halaga ng marijuana plants sa Danao City, Cebu.

Ayon sa Danao City Police, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA 7), natunton nila ang plantasyon ng marijuana sa Barangay Licos at Barangay Langosig.

Sa Barangay Licos, natuklasan ng pulisya at PEA-7 ang 500 square meters na tanim na marijuana.

Aabot sa 10,000 marijuana plants ang nakatanim sa lugar at tanatayang P4.1 million habang natuklasan din ang 4,000 pang seedling na may estimated value na P160,000.

Inaresto naman ang apat na hinihinalang nagtanim at distributors ng marijuana plants na kinilalang sina Benjie Salde Depositario 34, Inocentes Juntilla Depositario 59, Berting Salde Depositario, 27, at Melvin Salde Depositario, 30.

Nakumpiska din sa kanila ang caliber pistol na may 5 mga bala.

Mas malaki naman ang plantasyon ng marijuana sa Barangay Langosig na umabot sahalos isang ektarya.

Siniora sa nasabing taniman ang nasa 25,000 marijuana plants na tinatayang P10 million ang halaga.

Dalawa naman ang nadakip na sina Jay Basalo Acidillo at Jhosar Basalo Acidillo na kapwa nasa drug watchlist ng PDEA at pulis.

Mayroong dalawa pang suspek na nakatakas.

TAGS: Danao City, marijuana plant, plantation, Danao City, marijuana plant, plantation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.