Mga aso sa Baguio City planong lagyan ng microchips
Nanawagan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa publiko na maging responsable sa sa kanilang mga alagang aso.
Ginawa ni Magalong ang pahayag kasunod ng anunsyo ni Baguio City veterinarian Brigit Piok na dapat masolusyonan ang problema sa pagala-galang mga aso sa lungsod.
Ang madami kasing nakakalat na aso ay nagreresulta sa pagtaas ng kaso ng dog bites, at mga nagkalat ng dumi ng aso.
Maliban sa planong pagmultahin ang may-ari ng mga asong nakakalat ay plano rin ng lokal na pamahalaan na i-require ang mga dog owner na iparehistro ang kanilang alaga para malagyan ng microchips.
Ang microchips ay ilalagay sa balat ng aso at magsisilbi nitong identity.
Sa nasabing microchip ilalagay ang pangalan, breed, edad, may-ari ng aso at address nito.
Sa actual survey ng City Hall noong 2016 ay nasa 60,000 ang aso sa Baguio City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.