Ice Seguerra nag-react sa sinapit ng isang transwoman sa mall sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo August 14, 2019 - 09:31 AM SHARE(S):

Hindi napigilan ng singer na si Ice Seguerra ang mag-react sa sinapit ng transwoman na hindi pinapasok sa pambabaeng CR sa mall sa Quezon City.

Sa kaniyang post sa Instagram, inamin ni Seguerra na isa sa mga kinatatakutan niyang insidente kapag siya ay nasa labas ay ang paggamit ng CR.

May pagkakataon na rin kasi ayon kay Seguerra na binawalan siyang pumasok sa pang-babaeng CR at may pagkakatoan na ring kinuwestyon siya dahil sa pagpasok naman sa pang-lalakeng CR.
room.

Ani Esguerra, kung sa iba ay mababaw ang isyung ito, para sa taong gaya niya na naranasan na ang sitwasyon ay hindi kababawan ang pagtinginan ka ng mga tao at mapahiya ng husto nang dahil lang sa kailangan nilang gumamit ng banyo.

May pagkakataon pa nga ayon kay Ice na sinadya niyang huwag uminom ng tubig habang nasa official events para hindi niya kailangang mag-CR.

Inihalimbawa nito ang ASEAN events na dinadaluhan niya noong siya ay nasa National Youth Commission pa, kung saan hindi siya uminom ng tubig buong araw.

Ang reaksyon ni Seguerra ay kasunod ng pagbabawal sa isang transwoman na pumasok sa pambabaeng CR sa Farmers Mall sa Cubao.

TAGS: discrimination, Ice Seguerra, incident in cubao quezon city, transwoman, discrimination, Ice Seguerra, incident in cubao quezon city, transwoman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.