Binatikos ng ilang kongresista ang nakaambang paglobo ng ATM fees sa 50 percent.
Ito ay matapos na maglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng memorandum noong Hulyo 19 na nagtatanggal sa moratorium ng dagdag-singil sa mga ATM fees.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, kailangan na alalahanin ng mga bangko na ang perang wini-withdraw mula sa kanilang ATM ay pera na kanilang hiniram mula sa mga depositors kaya nga raw nagbabayad ang mga ito ng interest sa kanilang mga kliyente.
Nabatid na kung maipatutupad ang gusto ng mga bangko na 50% charge sa bawat transaction, ang dating P10 hanggang P15 na single interbank withdrawal transaction ay aakyat na sa P15 hanggang P30.
Ang “convenience fees” na binabayaran aniya ng mga depositors ay kalaunan magiging “annoying fees” sa oras na taasan na ito dahil bukod pa ito sa P300 hanggang P500 na monthly charge na pinababayaran sa mga accounts na bigong makaabot sa P10,000 hanggang P25,000 na minumum monthly average daily balance.
Samantala, ihahain muli nina Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate at Ferdinand Gaite ang House Bill 2105 na naglalayong magtakda ng standard rate sa transaction fees at charges sa mga automated teller machines (ATMs).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.