Case build-up sa sinibak na 64 BOC employees inihahanda na ng pamahalaan

By Chona Yu August 14, 2019 - 09:01 AM SHARE(S):

Puspusan ang ginagawang case build-up ng pamahalaan laban sa 64 na empleyado ng Bureau of Customs (BOC) na una nang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kasong korupsyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nangangalap na ng karagdagang ebidensya ngayon ang pamahalaan para maging selyado ang isasampang kaso.

Una rito, sinabi ng pangulo na isandaang empleyado pa ng BOC ang kanyang sisibakin sa puwesto.

Pero ayon kay Panelo, wala pang anunsyo ang pangulo kung kailan niya ito gagawin.

TAGS: bureau of customs, case build up, customs, bureau of customs, case build up, customs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.