LOOK: Mga sundalo nag-donate ng dugo bilang tulong sa mga tinatamaan ng dengue

Nagsagawa ng bloodletting activity sa Philippine Army Gymnasium sa Fort Bonifacio, Taguig bilang suporta ng mga sundalo sa National Dengue Epidemic Campaign ng pamahalaan.

Magkakatuwang sa aktibidad ang Armed Forces of the Philippines Medical Center, Army General Hospital, Office of the Army Chief Surgeon, at Philippine Blood Center gayundin ang Department of Health (DOH).

Inatasan ni Army Commanding General Lt. Gen. Macairog S. Alberto ang lahat ng Army personnel na hindi kabilang sa combat operations na makiisa sa bloodletting activities.

May kahalintulad na aktibidad ring gagawin sa iba pang Philippine Army Infantry divisions sa buong bansa.

Sa Fort Bonifacio, aabot sa 270 na mga sundalo ang nag-volunteer upang mag-donate ng dugo.

Ang mga donasyong dugo ay gagamitin para sa mga pasyente ng dengue.

Read more...