LOOK: Mass grave isinagawa sa mga buto at bungo na natagpuang nagkalat sa Manila North Cemetery
Nagsagawa ng mass grave sa humigit-kumulang 200 pirasong bungo at buto na natagpuang nakakalat lamang sa loob at labas ng Manila North Cemetery (MNC).
Ayon kay MNC Director Yayay Castañeda, ang mga bungo at buto ay natagpuang nakakalat at itinapon lang kung saan.
Nakita ang mga ito sa ibabaw ng apartment na puntod, mga bubong at gilid-gilid ng mga bahay.
Para mabigyang respeto at dignidad ang mga yumao, nagsagawa na lamang mass grave sa mga buto.
Una rito nagpalabas ng memorandum si Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan na nagsasabing hindi na makilala at hindi na ma-trace kung kanino ang mga bungo at buto na nakulekta.
Pinangunahan naman ni Rev. Fr. Artemio “Tem” Fabros, ang pagbasbas sa mga buto bago isinagawa ang mass grave.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.