Abandonadong gusali nasunog sa Quezon City

By Dona Dominguez-Cargullo August 14, 2019 - 08:04 AM SHARE(S):

Tinupok ng apoy ang isang abandonado nang gusali sa West Avenue sa Barangay Bungad sa Quezon City.

Nagsimula ang sunog bago mag alas 2:00 Miyerkules, Aug. 14 ng madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, sa 2nd floor ng gusali nagsimula ang apoy.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog bago naideklarang fire out alas 2:16 ng madaling araw.

Wala namang nasugatan o nasaktan sa sunog.

Nakatakda na sanang gibain ang gusali na matagal nang hindi ginagamit.

TAGS: fire, fire incident, Radyo Inquirer, fire, fire incident, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.