Port visit ng US Navy sa Hong Kong hindi pinayagan ng China sa gitna ng nagpapatuloy na public protest
By Dona Dominguez-Cargullo August 14, 2019 - 07:59 AM
Hindi pinayagan ng China ang nakatakda sanang port visit ng dalawang US Navy ships sa Hong Kong.
Ngayong buwan dapat at sa unang bahagi ng Setyembre magaganap ang pagdating ng barko ng US.
Ang nagaganap na protesta sa Hong Kong ang dahilan ng hindi pagpayag ng China.
Noong September 2018, hindi rin pinadaong ng China sa Hong Kong ang assault ship ng US.
Noon namang Abril, matagumpay na nakapagsagawa ng ship visit sa Hong Kong ang amphibious command ship ng US na Blue Ridge.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.