10 kabilang ang 4 na magkakapatid arestado sa buy-bust sa QC; mahigit P1M halaga ng shabu nakumpiska
Arestado ang sampung katao kabilang ang apat na magkakapatid sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City.
Nagkasa ng buy-bust ang mga otoridad target si Alyas Nestor na kilalang tulak ng ilegal na droga sa Brgy. Pinyahan.
Positibong nabilihan si Nestor ng P500 na halaga ng shabu kaya inaresto ito gayundin ang tatlo niyang kapatid na kasama niya nang gawin ang buy-bust.
Dinakip din ang apat na iba pa na pawang parokyano ni Nestor.
Nakumpiska sa kanila ang aabot sa P20,000 halaga ng ilegal na dorga.
Sa Barangay Sto. Cristo, naman, dinakip ang dalawang tricycle driver sa ikinasang operasyon ng Regional Special Enforcement Team ng PDEA-NCR.
Nakumpiska sa dalawa ang 200 gramo ng hinihinalang shabu na ibinalot pa sa diaper pack.
Ayon sa PDEA, aabot sa P1.36 million ang halaga ng ilegal na droga na nakuha sa dalawang suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.