1 sugatan sa karambola ng pitong sasakyan sa SLEX

By Dona Dominguez-Cargullo August 14, 2019 - 07:49 AM SHARE(S):

Isa ang nasugatan makaraang magkarambola ang pitong sasakyan sa southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) sa bahagi ng Sucat exit Miyerkules (Aug. 14) ng madaling araw.

Sangkot sa aksidente ang isang 18-wheeler truck na may kargang semento, isang 10-wheeler wing van, isang 6-wheeler closed van, isa pang 18-wheeler container truck, isa pang 10-wheeler truck, isang pick-up at isang AUV.

Tatlong linya ng southbound lane ng SLEX ang naokupahan ng aksidente kaya nagdulot ito ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic.

Ayon sa Muntinlupa City Rescue, naipit sa kaniyang minamanehong closed van ang 58-anyos na driver.

Tumagal pa ang pag-rescue sa driver bago tuluyang maialis sa pagkakaipit at madala sa ospital.

Sa inisyal na imbestigasyon ay binangga ng 18-wheeler truck na may dalang semento ang 10-wheeler truck sa kaniyang harapan matapos mawalan ng preno.

Bumangga naman ang 10-wheeler sa closed van, at ang closed van ay bumangga sa isa pang 18-wheeler.

Nahagip din ang pick-up at isang AUV.

TAGS: accident, metro, Muntinlupa, Radyo Inquirer, SLex, accident, metro, Muntinlupa, Radyo Inquirer, SLex

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.