Farmers Mall sumuway sa Gender Fair Ordinance ng QC; Mayor Belmonte kinondena ang diskriminasyon sa isang transwoman

Kinondena ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang diskriminasyon sa transwoman na si Gretchen Custodio Diez na hindi pinayagang gumamit ng pambabaeng comfort room sa Farmers Plaza sa Cubao.

Tiniyak ni Belmonte na nakatutuok siya sa pangyayari kabilang na ang pagdadala kay Diez sa station 7 ng Quezon City Police District (QCPD).

Sinabi ni Belmonte na sa ilalim ng Gender Fair Ordinance ng lungsod, ipinagbabawal ang lahat ng uri ng diskriminasyon, at binibigyan ng proteksyon at paggalang ang dignidad at karapatang-pantao ng mga miyembro ng LGBT+.

Malinaw aniyang hindi sumusunod ang Farmers Mall sa isinasaad ng nasabing ordinansa kung saan dapat ang lahat ng government offices, private, at commercial establishments sa Quezon City ay mayroong “All-Gender Toilets”.

Dahil sa insidente inatasan ni Belmonte ang Business Permit and Licensing Department (BPLD) na tiyaking ang lahat ng establisyimento sa lungsod ay nakatutugon sa ordinansa.

Siniguro din ni Belmonte sa lahat ng miyembro ng LGBT+ community na poprotektahan ang kanilang karapatan anuman ang kanilang sexual orientation at gender identity.

Read more...