Mas malaking bahagi ng Luzon apektado ng Habagat
Apektado pa rin ng Habagat ang kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon.
Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw, Aug. 14 ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Zambales, at Bataan ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa ang mararanasang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan.
Sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap na kalangitan lamang ang mararanasan na mayroong isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.