Duterte nilagdaan ang batas na nagpapataw ng community service para sa mga may minor offenses
Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang batas na nagpapataw ng community service bilang parusa sa mga lumabag sa minor offenses.
Pinirmahan ng presidente ang Republic Act 11362 o ang Community Service Act noong August 8.
Sa ilalim ng batas, pwede nang ipataw ng korte bilang parusa ang community service imbes na pagkakakulong ng isa hanggang 30 araw.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kabilang sa mga minor offenses ay ang alarm and scandal, malicious mischief, intentional breakage of others’ goods at ang pagsasagawa ng riot sa isang religious activity.
Inaasahang makatutulong din sa decongestion o pagpapaluwag ng mga kulungan ang naturang batas.
Ang community service ay isasagawa sa lugar kung saan nagawa ang paglabag.
Gayunman, ang pribilehiyo na mapatawan ng community service ay isang beses lang pwedeng i-avail.
Ang indibidwal na nagkaroon ng paglabag sa terms ng community service ay ipaaaresto ng korte.
Si Sen. Richard Gordon ang naghain at ang sponsor ng Community Service Act.
Ipatutupad ang bagong batas ng Department of Justice kasama ang Department of Social Welfare and Development.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.