Philippine Space Act pirmado na ni Pangulong Duterte

By Chona Yu August 14, 2019 - 04:53 AM

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11363 o Philippine Space Act.

Sa ilalim ng bagong batas, magkakaroon ang Pilipinas ng sariling national space agency sa Clark Special Economic Zone sa Pampanga at Tarlac.

Kinakailangan ng 30 ektaryang lupa sa Clark na pangangasiwaan ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Magtatatag din ang pamahalaan ng Philippine Space Agency kung saan isang director general na may ranggong cabinet secretary ang ia-apoint ng pangulo ng bansa para maging official representative ng Pilipinas sa international space community.

Dalawang bilyong piso ang ilalaang pondo sa PHILSA kada taon.

August 8 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong batas at magiging epektibo 15 araw matapos ang publication sa Official Gazette at mga pahayagan na mayroong general circulation.

TAGS: Philippine Space Act, Philippine Space Agency, Philippine Space Act, Philippine Space Agency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.