Service Charge Bill pirmado na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11360 na magbibigay daan para tumaas pa ang kita ng mga manggagawa sa hotel, restaurant at iba pang establisyimento sa pamamagitan ng makokolektang service charge.

Sa ilalim ng bagong batas, 100 percent nang makukuha ng mga manggagawa ang makokolektang service charge.

Hindi naman kasama sa makakukuha ng share ng service charge ang mga may matataas na pwesto gaya ng mayroong managerial positions.

Inaamyendahan ng bagong batas ang Article 96 ng Labor Code of the Philippines na 85 percent lamang ang makukuhang share ng mga empleyado ng mga hotel restaurant at kaparehong establisyimento.

Inaatasan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na bumalangkas ng implementing rules and regulations.

August 7 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong batas.

Read more...