Sen. Gatchalian nagpasalamat kay Pangulong Duterte sa paglagda sa ‘Murang Kuryente Act’

Lubos ang pasasalamat ni Sen. Sherwin Gatchalian kay Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagda sa dalawang batas na na may kinalaman sa kuryente at papawi sa paghihirap ng mga Filipino consumer.

Ayon kay Gatchalian, dahil sa paglagda sa Republic Act No. 11371 o Murang Kuryente Act, hindi na papasanin ng mga Filipino ang utang ng Napocor na ipinapasa sa electricity bill sa pamamagitan ng universal charge.

“Nagpapasalamat ako kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa wakas ay matutuldukan na rin ang paghihirap ng bawat power consumer sa pagpasan ng utang ng Napocor na siyang ipinapasa sa tao sa pamamagitan ng universal charge sa stranded debts (UC-SD) at stranded contract costs (UC-SCC) na bahagi ng singil sa atin sa kuryente,” ani Gatchalian.

Tagumpay anya ng bawat Filipino ang pagpasa sa batas para sa mas abot-kayang presyo ng kuryente.

Bukod, dito nilagdaan din ng presidente ang RA no. 11361 o ang Anti-Obstruction of Power Lines Act.

Ayon kay Gatchalian, napapanahon ang paglagda sa batas dahil ngayon ay panahon ng tag-ulan sa bansa at dumaraan ang malalakas na bagyo.

Layon naman ng Anti-Obstruction of Power Lines Act, na maipatupad ang isang mekanismo para sa mas maayos na pagmintena at rehabilitasyon ng mga transmission, sub-transmission, at distribution lines upang maiwasan ang power outages at matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa kuryente.

“Prevention is always better than cure, as the adage goes. And now that President Rodrigo Duterte has signed the Anti-Obstruction of Power Lines Act, we will now be able to put in place a mechanism that will allow for the responsive maintenance and rehabilitation of transmission, sub-transmission, and distribution lines, which would prevent outages and ensure continuous supply of electricity,” dagdag ni Gatchalian.

Si Gatchalian ang pangunahing may-akda ng naturang dalawang electricity-related measures.

Read more...