DOT: Dengue hindi pa banta sa turismo

By Rhommel Balasbas August 14, 2019 - 02:48 AM

Hindi pa maituturing na ‘cause of concern’ para sa turismo ng bansa ang patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.

Sa isang panayam araw ng Martes, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DOT sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay ng dengue cases sa bansa.

Sa ngayon anya ay hindi pa nakababahala para sa mga turista ang mosquito-borne disease.

Gayunman, sinabi ni Puyat na kahit hindi ito ‘cause of concern’ ay dapat mag-ingat ang mga turista.

Magugunitang idineklara ng Department of Health (DOH) noong August 6 ang national dengue epidemic.

Hanggang nitong July 27 lamang ay umabot na sa 167,606 ang naitalang dengue cases sa bansa.

TAGS: Dengue, Department of Tourism, national epidemic, Romulo Puyat, Dengue, Department of Tourism, national epidemic, Romulo Puyat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.