Ayon kay Wilson Locando ng PAGASA-Baguio synoptic station, mula lamang August 3 hanggang kahapon, August 13, ang rainfall amount sa Baguio ay umabot sa 648.8 millimeters.
Halos tinatapatan na ng sampung araw na pag-uulan ang isang buwan na rainfall threshold sa Baguio-Benguet na aabot sa 905 mm.
Mula sa 136 mm noong alas-8:00 ng umaga ng Lunes ay umakyat din umano ang rainfall amount sa 207.8 mm hanggang alas-8:00 kahapon ng umaga.
Nagbabala ang Office of Civil Defense sa Cordilleras sa mga residente sa mga mabababang lugar na lumikas at tumungo sa mas ligtas na mga lugar.
Umabot na rin sa critical level at nagbukas ng spillway gates ang Ambuklao Dam sa Bokod at Binga Dam sa Itogon.
Patuloy din ang suspensyon ng mga klase ng local government units sa Benguet dahil sa mga pag-uulan.