P8.5M halaga ng shabu nasabat sa Cebu

By Rhommel Balasbas August 14, 2019 - 03:45 AM SHARE(S):

Arestado ang isang umano’y big-time drug pusher sa buy-bust operation ng pulisya at PDEA sa Brgy. Kalunasan sa Cebu City, Martes ng hapon.

Ayon kay Cebu City Police Drug Enforcement Group chief Police Lt. Col. Glenn Mayam, nakilala ang suspek na si Raffy Abaya, 23 anyos.

Naaresto si Abaya sa loob ng inuupahang kwarto sa Brgy. Kalunasan matapos kumagat sa buy-bust at magbenta ng P1.7 milyong halaga ng shabu sa poseur buyer.

Ayon kay Mayam, dalawang buwan nang binabantayan ng pulisya ang kilos ng suspek matapos makatanggap ng mga sumbong ukol sa iligal na gawain nito.

Nagbebenta umano ng iligal na droga ang suspek sa Cebu province at sinasabing miyembro ito ng isang drug syndicate sa lalawigan.

Nakuha mula kay Abaya ang higit isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P8.5 milyon.

TAGS: big time drug pusher, buy bust operation, cebu city police, PDEA, shabu, big time drug pusher, buy bust operation, cebu city police, PDEA, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.