DOH: Bilang ng nasawi sa Pilipinas dahil sa dengue mas mataas kumpara sa ibang bansa
Mas marami ang namamatay sa dengue sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa Asya.
Sa isang pulong balitaan araw ng Martes, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque na bagama’t mas mababa ang bilang ng kaso ng dengue sa bansa mas marami ang namamatay dahil sa mabagal na pagresponde ng mga magulang sa sakit.
Binalaan ni Duque ang publiko sa paggamit ng mga supplements na umano’y gamot sa dengue fever.
Ayon sa kalihim, kung walang Food and Drug Administration – certificate of product registration (CPR) ang isang gamot, dapat hindi ito gamitin.
Samantala, nais ni Duque na palawigin ang ‘4S’ campaign laban sa dengue at gawin itong 5S.
Nais ng kalihim na idagdag ang ‘sustained hydration’ sa kampanya dahil malaking tulong anya ito para hindi lumala ang sakit.
Ang orihinal na 4S kontra dengue ay ang Search and destroy, Self-protect, Seek early consultation at Say yes to fogging.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.