3 bata patay matapos malunod sa France

By Rhommel Balasbas August 14, 2019 - 01:21 AM SHARE(S):
AFP Photo1

Patay sa pagkalunod ang tatlong bata sa Normandy coast sa France makaraang mapataob ng malakas na alon ang sinasakyan nilang motorboat.

Malakas ang hangin nang maglayag ang family motorboat sa Agon-Coutainville beach.

Agad namang dumating ang mga rescuers sa lugar para rumesponde ngunit na-trap sa cabin ang tatlong bata edad pito, siyam at 13 kaya’t hindi agad nailigtas.

Ayon sa nanay ng dalawa sa mga bata, pabalik na sana sila sa dalampasigan ngunit naging mabilis ang mga pangyayari.

Sinubukan pa ng tatay ng mga bata na basagin ang bintana ng cabin ngunit bigo ito.

Ayon sa rescuers napakaliit ng bangka na may laki lamang na 5.5 meters para maglayag sa napaka-along dagat.

TAGS: 3 French children drowned, Channel, France, 3 French children drowned, Channel, France

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.